Dumating ang panahon ng biglang mag click ang business nina Nier, laking tuwa namin ng isang araw pagdalaw sa bahay namin may dala na sya na pangarap nyang Mountain Bike. Di ko maiwasang maiingit, pangarap kong magkaroon ng ganun. Nakuntento nalang ako sa pahiram hiram, magkakaibigan naman kasi. Nagtuloy tuloy pa ang pag angat nila, mula sa maliit na bahay nakalipat sila sa isang village malapit sa amin. Lalung lumago pa ang kanilang negosyo. Naging busy sa buhay kaya di na nakakasama sa amin.
Lumipas ang ilang buwan, dumating naman ang mama ni Vin galing Israel, ang akala ko simpleng dating lang hindi pala. Kumalat bigla ang isang balita na mayroong daw nanalo ng Lotto sa baryo namin, hindi ko naman yun inakala na ang Mama nya pala. Nanalo sya ng Lotto sa Israel kaya pagkakuha ng pera kaagad syang umuwi. Nang makita ko si Vhin, ibang iba na ang itsura nya. Pansin ko rin ang shirt na suot nya, yun yung shirt na binebenta sa 1028 tee store na gusto namin. Ang cool nga, uso pa ang tretorn shoes nun at di peke ang suot nya. Matagal bago nya sinabi sa akin ang totoo, hanggang lumipat sila sa exclusive subdivision sa may Angeles City.
Bigtime na ang dalawa, ang huling kita ko sa kanila may kanya kanya ng Auto. Bahay? posible. May mga pamilya narin kasi. Si Vin, dalawa na ang anak at si Nier hindi ko lang alam kung ilan.
Ako, ako nalang ang natitirang di pa natataihan ng kapalaran. Malamang intime, pro di ko naman din inaasahan. Pero para sa akin, hindi man perang papel o passbook sa magandang bangko ang meron ako binigyan naman ako ni Lord ng Tin-Tin, Antay at Ocan. Mayaman na din ako, kung tutuusin. Kuntento na ako, konting enhancement nalang kung baga tapos okey na.
0 comments: