Hindi ko kasi ma gets kung para saan ito eh. Magtu tweet ka then may mga follower and after? No wonder madali na para sa mga holdaper or kidnapper ma tiktikan ang ang mga ninanais na biktima . Minsan nga kahit ano may ma i Tweet lang, stupid tweets nga daw sabi Lourd.
"I'm 20 minutes away from Buendia"
"I'm eating Lugaw now"
"Will hit the gym"
Siguro mas magiging makabuluhan ang Twitter kung gagamitin ng TAMA. For example,
Alam naman natin na laging delay ang PAGASA mag broadcast ng mga weather alerts. Pwede naman nilang gamitin is Tweeter para mag bigay ng nasa oras na update. Libre pa! (Hindi ko alam kung ginagawa or nagawa na nila ito).
Pwede din gamitin ng MMDA to give out update sa mga lagay ng kalye. Sa lawag ng wireless connection ngayun, lahat nakaka access ng Tweeter nasa jeep man or lansangan.
Pwede din gamitin ng DepED para mag broadcast ng status ng mga klase para naman walang naaabalang estudyante dahil sa late notice. Ikaw ba naman ang pumasok, suungin ang baha at lakas ng ulan tapos pagdating mo sa eskwela wala palang pasok. Karamihan kaya sa mga estudyante ngayun Tweeter muna or Internet ang hinaharap pagkagising sa umaga, next na si Almusal.
Wala lang din akong magawa kaya ko sinulat tong blog na ito. Makapag Tweeter nga din kaya, =)
>> CLICK the TITLE to get the list of Lourd de Veyra’s Snappy Replies to Stupid Tweets<<
0 comments: