Tsk! Job Offer ako yesterday sa 27/7. After expecting, expecting and expecting about the good benefits and salary from this company, I got dissapointed. Hindi naman ganun na gaya ng ine expect ko, tumaas lang ng 2k from what I'm getting now. Pro sabi nya, kung tutuusin nga malaki na yun. Totoo naman, eto nga pinatos ko yun pa.
Pro ewan ko ba, ayaw ko sa company na to. Call me stupid kasi nagpunta ako then spent my precious time taking the exams and interviews then after nun, wala na. Sa totoo lang dapat maging masaya na ako sa offer na yun pro ewan ko, hindi ako natuwa.
1. Siguro dahil may ine expect ako o kaya ayaw ko.
2. Masyado yatang mabigat ang work na yun para sa ganung offer.
3. Madami nagsasabi na power trip ang mga trainor dun (ayaw na ayaw ko pa naman ng ganun, nagmumura ang isip ko!)
4. Panibagong officemate, policies and training na naman, not worthy yata para sa 2k tapos may tax pa. (I think!)
5. Hanggang ganun nalang ang offer.
Sa dinami dami ng sinabi ko dito, sigurado sasabihin mo. "Bakit mo tinake e ayaw mo pala, tanga!" Oo nga naman, bakit nga ba? Sagot ko, hindi ko din alam. Nagulo lang ang isip ko, buti sana di nalang ako nag punta dun.
1. Baka di ako hiyang sa account, ISP kasi. Nakahawak na din ako ng ganun, sa West kaya alam ko. Ayaw ko talaga. Baka mangyari na naman ung nagyari nung nasa Pitcairn ako, halos i drag ko sarili ko para pumasok.
2. Hindi na pwedeng ganun, may pamilya na ako. Di katulad dito, kahit minsan napapamura ako sa sweldo hindi ko naman naramdaman ang ganun. Kung wala lang mangyayaring di inaasahan, hindi ako liliban sa trabaho.
3. Marami pa...
Ang dami kong worries if lilipat ako, yung siguro isa sa mga dahilan. Ewan ko ba, ang gulo gulo ko kaya siguro naiinis sya sa akin paminsan. Hindi ko din naman ma explain, ayaw mag function ng bibig ko. Hayaan ko nalang ito, nagkayayaan lang naman magpunta dun. Iisipin ko nalang na walang nangyaring offer, kung magka leche man dito hindi ko isisisi sa sarili ko.
Ronnie Lacson Photography
-
This photo's was taken during our trip in Pangasinan. The place is amazing
so we decided to take some pang "friendster" pic's. Damn! may gift pala ako...
16 years ago
0 comments: