Batiian portion @ Guad, Jun 9, '08 10:59 AM
5:51 AM | Author: Encore
I live in Guad (Guadalupe) so almost everyday dumadaan ako sa tapat ng Guada Mall (formally known as ABC Mall). Sa tapat nun meron parang Barangay Outpost we're all Tanod's stay's.
What funny is that they are equipped w/ mics and mega phones. So pag may mga jip's na pasaway then they'll call their attentions (plate no.).

"Oh yung jip na pula, plate no. XYA 142 ialis mo na yan, walang pila dyan."
Now, parang nag evolved yata. From calling those Jip na pasaway, aba! meron narin silang "Batian Portion". Parang katuwaan lang nila.

"Oh! sa mga nagtitinda dyan, magandang hapon sa inyo!"... "Happy birthday pala ka Aling Linda from Jerry".

So talagang dinig buong Guad yata ang kanilang munting katuwaan. Minsan nga, nasa Jip ako and I heard them,

"Yung nakapula sa tapat ng Chowking, Hi! daw s'yo at ang cute mo daw sabi ni Tom" Aha! ayos ah! Natatawa nalang yung nakapulang babae na binati nila. Kanina, while I was waiting sa tapat ng Jolibee, I heard them again but this time it's more on serious panawagan. "Kung sino man po ang kasama ng nawawalang bata.

Nakaputi pong shirt na may orange na lace at may kwintas na JC, maari lang po na pakipuntahan dito sa post.

Nandito lang po ang bata at naghihintay...". Then, kita mo lahat ng tao nakatingin nga sa Outpost, may mga nag punta nga. Aba! effective. Natawa ako. Baka sa isang araw may DJ na dun at pwede ka ng mag request ng favorite song mo.

Imported:

Jun 9, '08 10:59 AMfor everyone
This entry was posted on 5:51 AM and is filed under , , . You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

0 comments: