This will be the second time na "dinaga" ako sa work. Di ako mapalagay sa upuan ko, malikot ang mata, sensitive ang mga tenga. Lingon dito, lingon dun. Ayoko ng ganito. Sana may tumawag sa akin para may reason akong umuwi. Nawala pansamantala ang excitement ko para mamaya.
Hindi ko to kasalanan. Kasalana nya at nila. Sinalo ko lang kasi yun naman ang trabaho ko. Tagasalo ng katangahan ng iba.
Ano ba to. Kahit sabihin ng sarili ko, "Bahala sila" pero parang ganun parin. Kung pwede lang sana akong maging Bula pansamantala edi sana kanina pa ako nawala. Ayokong marinig ang pangalan ko. "Ronnie! Aux2!" Syet! eto na. Nababawasan na ang Lifeline ko.
Minsan iniisip ko. Bakit ganun, pag nakagawa ako ng "good work" e maswerte na ang mabati ng "good job" pero pag medyo sablay kung hindi sangkatutak na sermon ang maririnig mo e sigurado ipaparamdam sa'yo na parang kakainin kana ng Lupa. Ganito ang nararamdaman ko. Kasi naman, pag "good work" ako palagi e hindi lang naman ako ang nagbe-benefit, higit sila. Pero pag may sablay, swerte mo. Ang bigat na ng katawan ko. Kung pwede lang ibato sa malayo tong Avaya na nasa tabi ko malamang ginawa ko na. Ang kati na ng tenga ko, iritado sa headset na suot ko.
Ilang "daga" kaya ang nakapasok sa dibdib ko. Parang ang dami naman ata. Promise, first time to. Wala na akong ginawa kung di huminga ng malalim mawala lang ito. Paksyet talaga! Para na akong matutunaw.
"Lord, please guide me in everything I do. Allow me to do my work now and forget about what happen today. Please, bring me up coz I feel down, worried and lost. Take good care of me. Amen."
Imported:
May 6, '08 7:43 AMfor everyone
Ronnie Lacson Photography
-
This photo's was taken during our trip in Pangasinan. The place is amazing
so we decided to take some pang "friendster" pic's. Damn! may gift pala ako...
16 years ago
0 comments: