Pinoy, May 5, '08 7:31 AM
4:40 AM | Author: Encore

Marami ang nagsasabi na mahirap ang buhay ngayun. Lahat nalang tumataas, gulay, bigas, de-lata, baboy, manok pati pagkain ng Goldfish ko tumaas na din. Dating 20 per pack ngayun 25 na, dyeta tuloy sila. Teka, bakit nga ba mahirap ang Pinoy? Sino ang dapat sisihin, Gobyero? I don't think so, ehe! Bulok ang Gobyero, dati pa and given na yun. Wala silang kwenta so wag na nating idamay sila. Kung baga sa exam, bonus answer na yun. We all know na wala talaga silang kwent's. We heard something sa news na the Goverment is planning to give allowance to the poor, i mean poorest of the poor people dito sa Pinas. Di namin maiwasan ni Tin na di mag react. We both agree dun sa sinabi nung isang pari sa interview. Sabi nya pag ginawa yan ng Gobyero hinding hindi na mawawala ang mga poor dito sa Pinas which is TRUE! Sabi nga ni Tin with matching kumpas ng kamay, wag silang bigyan ng isda.. turuan silang mangisda.


Pano kung wala ng isda sa ilog, lawa o dagat kasi polluted na. Ehe! Kidding.
Minsan naglalakad kami sa may MRT ng may makita kaming namamalimos, yung Ale nakaupo sa semento kalong-kalong nya yung hindi ko alam kung anak nya ba yun. Sing edad lang ni Antaray ko, mga 7months. Naisip ko tuloy bigla sya. I'm just about to drop 1 peso dun sa baso nya ng may napansin akong kakaiba. Nakapampers yung baby. Yung night dry pa ata yun. Yung mahal na brand ng Pampers. Napaisip tuloy ako, si Antay ko nga yung murang Pampers lang ang gamit pro yung baby na kalong nung Ale, Pampers Dry chuva.
Ting! Nahulog na pala ang 1 peso ko.

Going back.

Naisip nyo rin ba? Minsan kaya mahirap ang Pinoy kasi dahil sa word na "Tamad". Natural na sa mga pinoy yan. Parang ako, ehe! Petiks na nga dito sa work, kalahati ng shift ko walang calls pro minsan tinatamad parin ako. Kaya pag minsan pagdating ng salary, "taena! liit ng sweldo ko! asar!", pro alam ko naman na may absent ako.

Balik Tanaw.

Sa personal kong experiences, marami sa mga kaklase ko sa college wala pa ding matinong trabaho. Bakit? kasi takot sila sa opportunity. Natapos kami ng sabay sabay with flying colors, pictures and others pro bakit ang ilan sa kanila kung di Bagger e Cashier sa Supermarket. Hindi naman ako nangmamata ng kapwa. Aminado naman ako na wala pa din naman akong nararating. Pero kung ikukumpara ang estado o level ko sa kanila, angat ako ng 1,2,3 steps. Minsan pag nakakasalubong ko sila't nakakakwentuhan isa lang ang sinasabi nila pag napapagusapan ang tungkol sa trabaho.
"Buti kapa bigtime, ako dito parin". Hindi ako bigtime, promise. Tama lang. Pero bakit nila yon sinasabi e samantalang pareho lang kami ng natapos? Isa lang naman minsan sinasabi ko, pinagaral ako ng magulang ko ng limang taon, nagkabaon-baon kami sa lecheng Thesis ko so I'm not gonna give up looking for opportunities kahit mabakante pa ako. Kasi alam ko kung anong klaseng work ang gusto ko. Bawal ang ma offend.

Minsan inaaya ko sila, "Apply kayo, Call Center! Hiring kami". Isa lang naman naririnig kong sagot, kung di sila bumagsak nung nag try e di marunong mag english. Kaya siguro kuntento na sila sa ganun. Bakit naman ako, 1 year akong nabakante. Minsan pinapagalitan na ako ng Nanay ko sa kakahingi ng pamasahe papuntang Manila para lang makapag apply. Ang dami ding nag down sa akin. Minsan 8AM palang nasa Manila na ako, "naghahanap kung san ba ang building na ito?" then, pagkatapos ng araw uuwi kang down, down hindi dahil sa pagod kung di dahil hindi ka nakapasa sa interview. Ginawa ko yun ng isang taon. Naniniwala kasi ako na darating din ang araw, paguwi ko sa bahay may magandang balita akong masasabi kay Nana'y at Tatay. Kaya ngayun, Call Boy nako for 3 Years. Siguro kanya kanyang view lang yan sa buhay.
Nakwento din sa akin ni Tin yung tungkol sa pinsan nya. Com-sci graduate pro Sales Lady ng part ng Motor. Ang layo diba. Nasabi nya na nakapag try sya at nakapasok sa isang call center. As in nasa training na pro isang araw lang ang itinagal. Nag quit. Bakit? di daw nya kaya. Kaya balik sa dati.

See? minsan ang opportunidad nasa tabi lang. Nasa atin nalang kung pano aabutin. Kung hindi tayo takot makipagsapalaran. Ma down at tumayo muli. Yakapin ang opportunidad, malamang marami sa atin maayos na

Imported:
May 5, '08 7:31 AM




This entry was posted on 4:40 AM and is filed under , , , . You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

1 comments:

On March 4, 2009 at 9:33 PM , Alison Perez said...

i think, maraming factors. but at the end of the day, responsiblity pa rin ng tao ang ikakaunlad niya sa buhay. enough nang sisihin ang employer, gov't, economy, at kung sino sino pa. also, let me share this post in pinoymoneytalk.com, http://www.pinoymoneytalk.com/forum/index.php?topic=8299.msg238040#msg238040.

very insightful..